Sanaysay – Ashley Cruz

Maraming iba’t ibang paraan ng pagbati ang mga Pilipino. Kahit na ang isa ay nasa Massachusetts, Maynila o Arizona, ang estilo ng pagbati sa isang tao ay pareho. Ginagawa ang mga karaniwang pagbati sa pamamagitan ng mga tanong tulad ng “Saan ka pupunta?” o “Saan ka galing?” Hindi inaasahan ang binabati na magbigay ng isang detalyadong paliwanag. Isang simpleng “Doon lang” ay sapat na bilang sagot. Ang mga tanong tulad ng “Pupunta ka ba sa eskwelahan?” ay tinatanong kahit na halata ang sagot na pupunta nga siya sa eskuwelahan. Tinatanong nila ang ganitong mga tanong kasi ito ang pinakamadaling paraan ng pagbati na hindi talaga kailangang makisali sa isang pag-uusap. Isa pang paraan ng pagbati ay komentaryo sa hitsura ng isang tao tulad ng “Ang gara-gara natin.”

Para sa mga Pilipino, isang kagandahang–asal ang mag-imbita ng isang tao sa iyong bahay. Pag nag-iimbita ang mga tao, ibig sabihin ay talagang gusto nilang pumunta ang tao o dahil iyon ang inaasahang magalang na pakikitungo. Ang mga sagot tulad ng “hayaan mo” ay hindi malinaw. Maaaring ang ibig sabihin nito ay bibisitahin niya ang nag-imbita o masaydo lamang magalang siya upang tanggihan ang imbitasyon.

Ang kagandahan ng kulturang Pilipino ay ang paggalang nila sa mga matatanda at kabaitan sa lahat. Ang salitang “po” ay isang katagang maaaring itumbas sa “sir” o ma’m” sa Ingles. Ginagamit ito upang maipakita ang paggalang sa mga matatanda. “Nagmamano po” ang mga batang Pilipino sa kanilang mga matatanda. Ito ay isang paraan din ng pagbibigay-galang. Nagsisimula ang mga Pilipino ng mga pag-uusap dahil sa tingin nila, hindi ito bastos. Gusto nilang basagin ang yelo. Isa sa mga karaniwang “pansimula ng pag-uusap” ang tanong na “Taga-saan ka?” Sa paggawa nito, sinusubukan nilang makahanap ng isang karaniwang bagay sa ibang tao.

Bukod sa mga pagbati,ang isa pang kultural na pagkakaiba sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano ay ang libing. May kasabihan na “kung saan daw ipinanganak, doon ililibing.” Ito ay sumasalamin sa mga tradisyunal na kakulangan ng pisikal at sosyal na pagkilos ng mga Pilipino. Sa kabilang dako, may mahusay na pagkakataon ang mga Amerikano para umangat sa lipunan. Hindi sila naniniwala na ang isang tao ay dapat ilibing kung saan siya ipinanganak.Salin sa Ingles:

Continue reading

Sanaysay ukol sa Kulturang Pilipino – Sean Sabino

Ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng kultura ng Pilipino at kultura ng Amerikano ay nakaugat ang kulturang Pilipino sa mga tao. Ang pinakamahalaga sa kulturang Pilipino ay kung paano ang mga taong nakikipag-ugnayan at makikita ito sa kanilang wika. Sa Amerikanong kultura, ang mga tao ay mas nakatuon sa sarili nila. Ang mga Pilipino/Tagalog ay maraming mga paraan upang matugunan ang mga tao na mas nakatuon sa kung saan ang antas ng mga tao sa hirarkiya ng lipunan. Ang wikang Tagalog din ay may maraming mga paraan upang hilingan ang mga tao na gawin ang ilang mga gawain. Ang pagkakaiba sa pagitan ng ipa-at paki-, halimbawa, ay nagpapakita ang Tagalog ng karagdagang pangangalaga upang matugunan ang mga tao sa mabuti at magalang na paraan. Mayroon ding mga kataga sa Tagalog na nagbibigay-daan sa maayos sa amin upang matugunan ang mga tao na mas nakatatanda o mas kilala at may sinasabi kaysa sa nagsasalita .Ang kulturang Amerikano ay halos ganap na hubad sa ganitong mga uri ng mga pagkakaiba-iba. Ang salitang “please” ay ang tanging paraan na maaari nating maayos at mabuting hilingin ang pahintulot sa Ingles. Wala ring mga kataga ng paggalang sa Ingles, kaya walang paraan upang maayos na matugunan ang mga mas matatandang mga tao o mga tao na karapat-dapat makatanggap ng higit pang paggalang.Malungkot na makita na ang Amerikanong kultura ay hindi kasinggalang at maingat tulad ng sa kulturang Pilipino. Nakakalungkot, ngunit ang matinding halaga ng paggalang para sa mga matatandang tao at mga tao na nasa katayuan sa kulturang Pilipino ay lumilikha ng isang malaking guwang sa pagitan ng mga mas bata at mas matatandang mga henerasyon, lalo na kapag ang mga mas matandang henerasyon ay naggigiit sa pagiging mapili at maselan o nagkikimkim ng poot. Continue reading

Sanaysay ukol sa Kulturang Pilipino – Aubrey Manahan

Ngayon, nakikita natin na lumiliit na ang mundo. Ang pagkakalantad sa ibang kultura ay karaniwan na at hindi na imposible ang pakikipag-usap sa mga taong nasa Pilipinas o nasa Hawaii. Pero sa kabila nito, mayroon pa ring pagkakaiba sa mga kultura at mga hindi pagkaunawaan. Halimbawa, mayroong pagkakaiba ang kulturang Pilipino sa kulturang Amerikano kahit mayroong namagitang kasaysayan sa mga bansang ito.

Mahalaga ang konsepto ng kominuidad sa Pilipinas. Mas mabagal ang takbo ng buhay sa Pilipinas kaya madaling kausapin ang mga tao. Laging may tao na nakaistambay sa labas kaya binabati nila kung sino man ang naglalakad para lang masimulan ang pakikipag-usap. Ang mga pakikipag-usap ay isang paraan para magtatag ng pagtitiwala at relasyon sa ibang tao. Iniimbitahan din ng mga tao ang mga kausap nila sa bahay nila. Sa kulturang Pilipino, pumupunta ang mga tao sa kapit-bahay nila para makakilala sila. Ang mga Pilipino ay isinasama ang kanilang sarili at nakikisama bilang isang paraan ng pakikipagkaibigan. Halimbawa, natuto tayo sa mga dyalogo natin na tanungin ang mga tao “Saan tayo pupunta?” kahit hindi sila talagang kasama. Ganito kasi ang kasaysayan ng Pilipinas, mahalaga ang komunidad sa mga buhay ng Pilipino dahil ang kondisyong pang-ekonomiya ay hindi maganda.

Malaking-malaki ang pagkakaiba ng ilang aspeto ng kulturang Amerikano kaysa kulturang Pilipino. Hindi kasinlakas ang ideya ngkomunidad sa Pilipinas. Mas sanay ang mga Amerikano na nag-iisa sila at hindi nakikipag-usap sa tao na hindi nila kakilala. Kahit na makita mo ang kapit-bahay mo, hindisila babati sa iba. O maikling pagbati lang na hindi talaga kailangan ng sagot. Ang mga relasyon sa ibang tao ay mas mapili. Mas maganda ang ekonomiya ng Estados Unidos kasya sa Pilipinas kaya mas may distansiya sa pagitan ng mga tao. Mayroon ding konsepto ng personal space o privacy sa Estados Unidos na walamasyado sa kulturang Pilipino. Ang indibiduwalismo ay mas importante kaysa komunidad sa kulturang Amerikano. Ang ideya ng paligsahan ay importante sa kulturang Amerikano dahil sa politika at ekonomiya kaya malamang hindi masyadong malapit ang mga tao sa isa’t isa.

Dahil lumaki ako na isang Pilipino-Amerikano, nakikita ko na mayroong maganda sa kapwa kultura. Gustung-gusto ko na nagtuturo ang kulturang Pilipino, na hindi ka nag-iisa at laging mayroong sumusuporta sa iyo sa pamilya mo at sa komunidad. Gustung-gusto ko rin ang paligsahan at pagpapahalaga sa indibiduwal sa kulturang Amerikano. Ang pagkakagalit at salungatan sa magkakaibang mga kulturang ay nangyayari pa rin pero iniisip ko importanteng maintindihan ng mga tao na may pagkakaiba talaga ang iba’t ibang mga kultura. Kung igagalang ng mga tao ang ibang kultura, mas magkakasundo ang mga tao.

Continue reading

Wika at Kalinangan – Carolina Smith

Ang kulturang Pilipino ay direktang naiimpluwensiyahan ang wikang Tagalog. Magkaibang-magkaiba talaga ang mga salitang Tagalog at Ingles. Mapanlikha ang Tagalog pero ang Ingles ay masyadong tiyak. Ang mga pagbati sa Tagalog ay maiikli. Karaniwan sa mga pagbati ay pagpapahayag lang. Kung magtatanong ka ng “Saan ka pupunta” ang sagot ay “Diyan lang ho, sa tabi-tabi.” Ang tanong at sagot ay hindi laging deretso. Yung salitang Tagalog ay nagpapakita rin ng paggalang sa matatanda. Ang mga halimbawa ng paggalang ay yung paggamit ng “po, opo, kuya, ate,” at iba pa.Ang salitang Tagalog ay hindi nagmula sa salitang Latin, katulad ng Ingles. Ang Tagalog ay may sariling kasaysayan. Karaniwan sa mga salita ay nanggaling sa Kastila at yung iba ay nagmula sa Tsino. Ang kasaysayan ng salitang Ingles ay iba sa Tagalog. Dahil sa iba’t ibang kasaysayan ng salitang Tagalog, ang wika ng mga Pilipino ay laging gumagamit ng damdamin at pakiramdam na tono, habang nagsasalita. Paminsan-minsan nahihirapan ako sa pag-intindi ng iba’t ibang mga salita dahil maraming mga pananalita na nauunawaan ng mga taga loob o mga nagtataglay ng kultura at mahirap isalin sa Ingles. Ang salitang Tagalog ay mayroon ding impluwensiya na nanggaling sa relihiyon. Dahil sa impluwensiya ng relihiyon, ang Tagalog ay naging konserbatibo na ipinagbabawal ang masasamang salita.

Continue reading

Sanaysay sa Kultura – Marie De Austria

Hindi maipagkakaila ang kaibahan ng kulturang Pilipino sa Kulturang Amerikano. Nakaukit mula sa kilos, paniniwala, kaugalian, hanggang sa pananalita ang pagkakaiba ng dalawang kulturang ito. Ang kulturang Pilipino ay mailalarawan sa pariralang “collective mindset” kung ikukumpara sa kulturang Amerikano na mistulang “individualistic.” Kaya naman ang mga Pilipino ay mahilig maghanda ng maraming pagkain para matipon ang kanilang mga kapamilya, kaibigan, pati na kapit-bahay. Ang ideya ng “kapwa” ay bahagi na rin ng katauhan ng mga Pilipino. Makikita sa pananalita ng mga Pilipino na ang kapwa ay hindi iba sa sarili. May mga salita sa Filipino tulad ng “kita” na sabay na nangangahulugang “I” at “you.” Halimbawa, kapag binabanggit ng mga Pilipino ang katagang “mahal kita,” nangangahulugang hindi maaaring ihiwalay ang taong nagmamahal sa kanyang minamahal.Makikita rin sa pagbati ng mga Pilipino ang pagiging “collective.” Batay sa mga leksyon nina Teresita Ramos at Rosalina Morales Goulet, imbes na magtanong tungkol sa klima o sa kaganapan o balita kagaya ng mga Amerikano, ang mga Pilipino ay mahilig mang-uyam o magbiro kapag sila ay bumabati sa ibang tao. Kapag may nakaunipormeng kaibigan na halata naman talagang papasok na sa trabaho o sa eskwela, ang bati pa rin ng mga Pilipino ay “Papasok ka na ba?” O di kaya naman kapag may humahagibis na tao ay itatanong pa kung “Nasaan ang sunog?” kahit na alam naman talaga ng bumabati na walang sunog. Kapag naman maraming dalang pinamili si ate, makikipaglaro ang Pilipino at sasabihing “Pinakyaw mo na ‘ata ang buong palengke!” Mahilig rin makibahagi ang mga Pilipino sa mga ginagawa ng ibang tao. Kapag may kakilala silang namamasyal, itatanong ng mga Pilipino kung “Saan ang punta natin?” sa halip na “Saan ang punta mo?” na para bang kasama siya sa lakad. At kapag maganda ang suot ng isang kaibigan, sasabihin ng Pilipino na “ang gara naman ng suot natin” na parang suot rin niya ang damit. Sa kabuuan, kapag nakikipag-usap ang mga Pilipino ay parang matagal na silang lahat magkakakilala kahit na ngayon lang sila nagkita.

Sa kabilang dako, mas sanay ang mga Amerikano sa “individualistic” na kultura kung saan mas mainam sa kanila na mamuhay na hindi umaasa sa iba. Ang pagkakaibang ito ay puwedeng pagbuhatan ng hindi pagkakaunawaan. Kung sa mga Pilipino ay maaaring makibahagi sa buhay ng ibang tao sa paraang pabiro o nang-uuyam, baka isipin ng mga Amerikano na walang galang ang mga Pilipino o mahilig lang silang mang-usisa sa mga bagay-bagay na hindi naman nila dapat inaalam. Puwede ring isipin ng mga Pilipino na masyadong mataas ang ere ng mga Amerikano kung hindi nila indahin ang mapaglarong pananalita ng mga Pilipino. Kailangang kilalanin ng bawa’t panig ang isa’t isa at respetuhin ang kultura at mga kasanayan ng bawat tao para hindi pagbuhatan ng away ang pagkakaiba ng kanilang mga pananaw sa buhay. Dapat ding pagyamanin ng isa’t isa ang kani-kanilang mga pagkakaiba dahil maaaring ang kakulangan ng isa ay puwedeng mapunan ng katangian ng iba.#

Continue reading

Kultura ng Pilipinas at Amerika – Raymark Cabildo

Sanay na sanay na ang mga Pilipino kumuha ng kultura ng kapaligiran nila. Noong may kontrol ang mga Kastila sa Pilipinas, hiniram ng mga tao ang kultura, ginamit nila ang mga salita, at isinuot nila ang mga damit, at dinasalan nila ang Diyos ng mga Kastila. Pero nagbago ang mga Pilipino at may sarili na silang kultura, kung saan kinuha nila ang maraming parte ng mundo katulad ng Timog-Silangang Asya, mundo ng mga Muslim, Espanyol, at Amerkano. Kahit na may pagkakakapareho sila, mas marami silang kaibahan. Halimbawa, kahit na ginagamit ng Pilipinas ang demokratikong sistema, may impluwensiya pa rin ang relihiyon sa politika nila. Hindi papayagang mangyari ito sa Amerika. Maraming kaibahan sa sosyal at himig ng pag-uusap ang kultura ng Pilipino at Amerikano.Dahil mas maliit ang Pilipinas kaysa sa Amerika, mas maraming koneksyon na magagawa ang Pilipino kaysa sa mga Amerikano. Kapag nagkatagpo ang mga tao sa unang pagkakataon, mas malamang na may kilala silang ibang tao mula sa kanilang lugar. Maliit talaga ang mundo sa kanila.Hindi pareho sa mga Amerikano, karaniwan ang pagbati sa mga Pilipino ay sa anyo ng tanong, matalinghaga, o idiomatiko. Isang karaniwang pagbati sa Tagalog ang “Saan ka pupunta?” Hindi ito direktang tanong kung saan talaga pupunta ang tao, pero parang “hi” o “hello.” O isa pang halimbawa ay “Papasok ka na ba sa eskwela?” Madalas na “obvious” ang sagot sa tanong pero tinatanong pa rin ng mga Pilipino ito para makagawa sila ng koneksyon. Isa pang pagbati ang “Magandang umaga.” Hindi karaniwang ginagamit ito katulad ng “Good morning” sa Ingles pero mas para sa pagbati sa mga manonood, at ipinapahayag ang pagdalo ng mga tao. May salitang pang-respeto ang mga Pilipino pareho ng paggamit ng “po”, “opo” o “ho” at “oho.” Hindi parang “sir” o “ma’am”, walang kasarian ang mga salitang ito. Ginagamit sila nang nagsasalita sa pakikipag-usap sa mga matatanda. Mas kaswal ang paggamit ng “ho” at “oho.”

Nakakauyam na komento rin ang ginagamit ng mga Pilipino sa pagbati. Isa ang “Pinakyaw mo yata ang tindahan!” at tatanggihan ito ng tao. Siguro bastos gamitin ang mga pananalitang ganito sa Amerika, pero karaniwan ito sa kultura ng Pilipino. Mas maraming halimbawa at mas nakakauyam na pagbati ang “Nasaan ang sunog?” na ginagamit na pagbati sa isang tao na nagmamadali, at “Nagmamalaki ka na” na ginagamit naman sa taong sa unang tingin ay hindi namamansin. Isa pang pagbati ang pagbibigay ng papuri, tulad ng “Ang ganda-ganda mo.”

May iba’t ibang paraan para sagutin ang mga pagbati na ito. Halimbawa, karinawang tinatanggap lang ng mga Amerikano ang papuri, pero tinatanggihan, binabalik, o pabirong tinatanggap ng mga Pilipino ang papuri para hindi masama ang tingin sa kanila at hindi  magmukhang mayabang.

Isa pang pagkakaiba sa kultura ng mga Pilipino ang walang kakimi-kiming pakikipag-usap sa mga taong hindi kakilala. Iniiwasan ng mga Amerikano ang pakikipag-ugnayan sa mga taong hindi nila kakilala. Gayunman, sa tingin ng mga Pilipino hindi panghihimasok ang pakikipag-usap sa ibang mga tao at madalas silang mag-“break ng ice.” Madalas nilang ginagamit ang salitang “Taga saan ka?” sa umpisa ng mga pag-uusap at hindi ito pambukas ng pag-uusap sa Amerika. At saka mas maaaring kausapin ng mga Pilipino-Amerikano ang mga kababayan nila at baka may kapareho silang kalagayan at baka makinabang o magkatulungan sila sa pakikipag-ugnay sa isa’t isa.

Kahit na iba’t iba ang anyo sa pag-uusap ng dalawang kulturag ito, magkapareho ang layunin nila. Gusto nilang magkaroon ng koneksyon sa ibang mga tao at may kani-kaniya silang paraan para masiyahan sila.#
Continue reading

Hinggil sa Kulturang Pilipino – Cherrilyn Badilla

Ang kulturang Pilipino ay naiiba mula sa kulturang Amerikano sa maraming paraan. Batay sa aralin 1 hanggang 15 ng aklat nina Teresita Ramos at Rosalina Goulet na Intermediate Tagalog, maaaringmakita ang mga pagkakaiba kapag inihambing ang Pilipino at Amerikanong kultura. Isang aspeto ng dalawang kultura na nakita ko na napaka-contrasting ang mga pagbati. Ang pagkakaiba ng Pilipino at Amerikanong kultura ay makikita sa Lesson 12, kung saan pareho nilang kilala ang ilan sa mga tao. Kapag nagkamustahan ang mga Pilipino, o nagbatian kung saan sila pupunta, malamang na sila’y mag-usap nang mas malaliman at isama ang maraming mga detalye, kumpara sa kulturang Amerikano. Sa batian ng dalawang Amerikano, ang karaniwang tugon lamang ay “Good” o “I’m fine.”The Filipino culture is different from the American culture in many ways. Based on lessons 1-15 by Teresita Ramos and Rosalina Goulet’s book Intermediate Tagalog one can see the differences when comparing the Filipino culture and American culture. One aspect of the two cultures that I found very contrasting were the greetings. The encounter between Filipino and American culture is exemplified in Lesson 12, where they find out that they know some of the same people. When Filipinos ask each other how they are doing or where they are going, they tend to go into depth and include many details, as opposed to American culture. In common dialogue between Americans, a person usually asks another person how they are doing, and the usual response is just “Good” or “I’m fine.”

Karaniwan, ang mga Pilipino ay hindi nagsisimula ng pag-uusap sa mga estranghero (na matatagpuan sa Lesson 11). Gayunpaman, sa mga tao na kilala nila, sila ay napakabukas at magiliw. Ang tala ukol sa kultura na matatagpuan sa Aralin 15 ay nagpapaliwanag na ang Pilipino ay mas malamang na makipag-usap sa iba pang mga Pilipino kaysa sa mga Amerikano sa parehong sitwasyon. Tinitingnan ng mga Pilipino ang kapwa Pilipino bilang pamilya at madali silang makaugnay sa iba. Halimbawa, ang pag-uusap sa pagitan ng mga Pilipinong hindi magkakilala ay karaniwang nagsisimula sa “Pilipino ba kayo?” At ang Pilipino ay gumagamit rin ng mga katawagang gamit sa mga kapamilya bilang tanda ng paggalang, hindi alintana ang isang tunay na kaugnayan, tulad ng “Tito / Tita”, “Manong”, Ate / Kuya ,” o ang gasgas na paggamit ng salitang” po.”

Typically, Filipinos are not usually conversation starters when it comes to strangers (as found in Lesson 11). However, with people that they know, they are very open and friendly. The cultural note found in Lesson 15 explains that Filipinos are more likely to strike conversation with other Filipinos more than Americans would in the same situation. Filipinos see other Filipinos as family and can relate to others very easily. For example, conversations between to Filipino strangers usually start with “Are you Filipino?” and Filipinos also use terms as a sign of respect, regardless of a real relation, such as “Tito/Tita,” “Manong,” “Ate/Kuya,” or the overuse of the word “po.”

Gayundin, ang Pilipino ay mayroong ilang mga paraan upang sabihin ang mga bagay: kapag ang isang tao ay nag-aapura–  ang mga parirala tulad ng “Sino ba ang humahabol sa iyo?” O “Saan ba ang sunog?” O “Baka ka ma-’heart attack.’” Sa ilang mga paraan, ang sinasabi ng Pilipino ay maaaring hindi sinasadyang nakakasakit kapag kinuha sa literal na kahulugan. Isang halimbawa ng pangungusap ay “Nagmamalaki ka na.”  Ito ay mahalaga upang malaman na ang wikang Filipino o diyalogo ay hindi seryoso at higit pa sa kahabaan ng linya ng nanunuya kaysa sa literal. “Pinakyaw mo yata ang tindahan,” halimbawa, ay isang paraan lamang ng pagbati kapag nakakakita ng isang kakilala na may maraming mga bitbit o mga pinamili. Isa pang halimbawa ng literal na paggamit ng salita sa kulturang Pilipino ang pagsasabi ng, “Ginagabi ka yata.” Ang usapang Pilipino ay napakagalang at gumagamit din ng maraming mga papuri tulad ng “Ang gara-gara natin” o “Mabuti ka pa at panay na panay ang pasyal mo.” Sa palagay ko, walang dapat baguhin sa wikang Filipino dahil ito ay lubos na maganda.

Also, Filipinos also have several ways to say things: when someone is in a hurry, phrases such as “Who is chasing you?” or “Where is the fire?” or “You might have a heart attack.” In some ways, Filipino sayings can be unintentionally offensive when taken in the literal sense. One sentence example is “You are getting to be a snob.” It is important to know that Filipino language or dialog is not serious and more along the lines of sarcastic rather than literal. “You must have bought the store,” for example, is simply a form of greeting when seeing an acquaintance with a lot of materials or groceries. Another example of literal word usage in Filipino culture is the saying “It seems you’re being benighted.” Filipino dialog involves very polite language and also uses many compliments such as“You look very fancy.” or “How lucky you are to be able to go places.” In my opinion, nothing about the Filipino language should be changed because it is very beautiful.#